Sinkhole biglang lumitaw sa Australia, nalulon ang mga sasakyan at mga tents - TomoNews

TomoNews Philippines (Filipino) 28. September 2015 0 Aufrufe

Beschreibung

QUEENSLAND, AUSTRALIA — Dese-dosenang mga nagbabakasyon ay natakot noong nakaraang linggo nang biglang nalulon ng sinhole ang kanilang tinatambayan.

Isang malaking sinkhole ang lumitaw malapit sa Queensland’s Rainbow Beach sa Inskip Point noong Sabado.

Ito ay unang napuna ng mga mangingisda. Nakita nila ang baybayin na unti unting umuurong. Ayon kay Casey Hughes ng ABC na para daw tunog ng kidlat ang sinkhole.

Ito ay 150 meters sa haba, 50 meters sa lapad, at 3 meters sa lalim.

Nilulon ng sinkhole ang isang kotse, isang van, isang camping trailer, at mga tents. 140 na katao ay naligtas sa campground at walang napinsala.

Karamihan sa mga nagbabakasyon ay naligtas ang mga sasakyan nila bago ito nalulon ng sinkhole at nalaglag sa tubig.

For news that's fun and never boring, visit our channel:
http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH

Subscribe to stay updated on all the top stories:
http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH

Stay connected with us here:
https://www.facebook.com/TomoNewsPH